May Naawa? ATLETA NA NAKATANGGAP NG P3,000 MATAPOS MANALO NG GINTONG MEDALYA, BINIGYAN NG SAPATOS



Binigyan ng sapatos ng isang fitness coach ang atleta na si Efosa John Paul Aguinaldo matapos nitong ibahagi ang kanyang pagkalungkot dahil sa kanyang natanggap na P3,000.

Matatandaang sinabi ni Aguinaldo sa panayam sa kanya ni Rendon Labador na maliban sa P3,000 lamang ang natanggap niya ay wala rin siyang sapatos na ginagamit sa kanyang training dahil narin sa kakulangan ng pasilidad sa kanilang lugar.

Dahil dito ay nagmagandang loob ang fitness coach na si Jerry Ybanez at binigyan ng sapatos si Aguinaldo.

"Tulad ng Promise naten kay Efosa John Paul Aguinaldo . Papadalhan naten siya ng Sapatos pang Ensayo. Sana magustuhan mo. Tuloy mo lang ang Pangarap mo kahit mahirap ang laban ng mga atletang Pilipino.. Congrats Ulit sa Gold mo," ani Ybanez.

No comments:

Powered by Blogger.