Gustong Sumikat! Lalaki huli nang magsayaw nang nakahubo at magpakita ng ari habang nakasabit sa tricycle
Hinuli ang isang 16-anyos na binatilyo at kaniyang mga kasamahan matapos siyang sumayaw nang nakahubo at magpakita pa ng ari habang nakasabit sa umaandar na tricycle sa Antipolo City.
Nagpakita pa ang lalaki ng kaniyang ari habang dumaan sa tabi-tabing tindahan ng mga pasalubong sa lugar.
“Itong si alyas ‘Carl’ naman, habang sakay ng tricycle, ay lumabas at sumabit sa tagiliran ng tricycle at ibinaba ang kaniyang shorts. So kita 'yung private part,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Mark Henry Garcia, hepe ng Antipolo Police.
Nakatakip ng t-shirt ang mukha ng lalaki, malakas ang pagtugtog ng tricycle at nagtatawanan ang mga sakay nito.
No comments: