SUMALPOK! Driver at pahinante, patay nang bumangga sa puno sinasakyang dump truck
Nasawi ang isang driver at kaniyang pahinante matapos bumangga sa puno ang kanilang dump truck sa Barangay Victoria, Zamboanga City. Isa namang nakatambay sa lugar ang sugatan.
Mapanonood ang truck ng mga biktima na nawalan ng kontrol at biglang sumalpok sa isang puno sa Maria Clara Lorenzo Lobregat (MCLL) Highway bandang 3:35 p.m. ng Biyernes.
Agad inusisa ng mga nagulat na residente ang pangyayari.
Sa isa namang video na kuha ng isang residente, makikitang nagkalat sa kalsada ang lupang karga ng tumagilid na truck.
Wasak ang ilang nakaparadang sasakyan at kusina ng isang bahay na nahagip ng nasabing truck.
Sinabi ng Zamboanga City Police na na-trap sa front seat ng truck ang 46-anyos na lalaking driver, habang nawalan ng malay ang kaniyang pahinante.
No comments: