SINUNDAN? Barangay kagawad walang awang pinagbabaril at pinatay ng riding in tandem sa Cavite



Patay ang isang barangay kagawad matapos siyang barilin habang nasa sasakyan ng mga salarin na nakasakay sa motorsiklo sa Barangay Bagtas sa Tanza, Cavite. Tinarget ang biktima kahit may kasamang mga bata sa sasakyan.

Tinamaan siya sa leeg at pumanaw makaraan ang dalawang oras matapos ang pamamaril.

“Planado ito. Simula pa lamang sa bahay ni konsehal, papunta, pagpasok niya sa barangay hall, nakaabang na yung mga suspek, sinundan siya. Habang nakasakay siya sa sasakyan niya, sinundan siya ng dalawang lalaking naka-motor,” ayon kay Police Senior Master Sergeant Israel Villela ng Tanza Police.

No comments:

Powered by Blogger.