PINAGBABARIL? Kuha sa CCTV ang 2 rider patay sa pamamaril sa Zamboanga City 1 biktima nadamay lang
Nasawi ang dalawang rider sa pamamaril ng dalawang salarin sa Camino Nuevo, Zamboanga City. Ang isa sa mga nasawi, nadamay nang barilin ng mga salarin habang tumatakas.
Sa kuha ng Closed Circuit Television (CCTV) camera, makikita ang dalawang suspek na nakasuot ng helmet na tila may inaabangan sa gilid ng kalsada.
Nang dumaan ang kanilang target na sakay ng motorsiklo, pinagbabaril nito ang rider na 41-anyos.
Mapalad na nakatakbo at nakaligtas ang 18-anyos na angkas ng rider.
Matapos ang pagbaril sa unang biktima, tumakbo palayo ang mga suspek at nadaanan ang isang 34-anyos na rider na tumigil dahil sa kaguluhan at binaril din ng isa sa mga suspek.
No comments: