banner

NAPAGKAMALAN LANG? Tanod na On Duty na napagkamalan umanong kagawad patay nang pagbabarilin sa barangay hall


Nasawi ang isang 58-anyos na barangay tanod matapos siyang mapagkamalang kagawad at pagbabarilin sa loob ng barangay hall sa Urdaneta, Pangasinan.

Inilahad ng mga saksi na matapos mag-ikot sa barangay ang tanod, nagpahinga muna ito.

Hanggang sa isang gunman ang biglang pumasok sa barangay hall saka siya pinagbabaril.

Matapos nito, agad tumakas ang namaril kasama ang isang motorcycle rider.


No comments:

Powered by Blogger.