banner

NALUNOD? 2-anyos na bata nasawi nang mahulog sa irigasyon ang sinasakyang tricycle na nanay niya ang driver



Nasawi ang isang batang dalawang-taong-gulang nang mahulog sa irrigation canal ang tricycle na kaniyang sinasakyan, at minamaneho ng kaniyang ina sa Santiago City, Isabela.

Sinabing nakita ang katawan ng bata sa walker hindi kalayuan sa pinaglubugan ng tricycle.

Dinala ang bata sa ospital pero idinaklarang dead on arrival ng duktor.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) at pulisya, ang mismong ina ng bata ang nagmamaneho ng tricycle.

Maaaring nawalan ng kontrol ang ina sa tricycle kaya nahulog sa irigasyon ang tricycle.

No comments:

Powered by Blogger.