banner

LANTARANG BINIGAY? Trak ng bigas nasilip sa vote-buying Nabisto at libong sakong bigas nakumpiska


Kinumpiska ng mga pulis ang sako-sakong bigas na karga sa isang trak at ipamimigay sana sa mga residente sa Barangay Manat, Nabunturan, Davao De Oro, gabi ng Mayo 7, 2025.

Ayon sa Police Regional Office 11, nakaparada ang trak sa bahay ng isang barangay captain at unang naiulat na kargado ng 2,500 sako ng bigas ngunit 1,000 dito ang ibinaba at ipinamahagi sa mga residente.

Lumabas sa imbestigasyon na may nakitang grupo ng mga tao sa likod ng bahay ng kapitan na pumipila para tumanggap ng bigas. Nakita rin ang presensya ng personal secretary ng tserman at isang kandidato sa pagka-alkalde ng munisipyo.

Matapos makatanggap ng report, agad na rumesponde ang Nabunturan Municipal Police Station kasama ang mga opisyal ng Comelec.


No comments:

Powered by Blogger.