GUILTY? BABAENG MOTOVLOGGER SUSPENDIDO NA AT PAGBABAYARIN NG LIBO-LIBONG PISONG MULTA MULA SA LTO
Nakatanggap ang babaeng motovlogger na si Yanna Aguinaldo ng P7,000 multa mula sa Land Transportation Office (LTO) dahil sa reckless driving at paggamit ng motorsiklo nang walang side mirrors.
Suspendido muna ang lisensya nito dahil sa hindi parin isinusuko ni Aguinaldo ang kanyang motorsiklo sa LTO.
Si Aguinaldo ang nag-viral na motovlogger na nakipagtalo sa isang motorista habang sila ay nasa Zambales.
Maliban dito ay haharap pa sa ibang kaso si Aguinaldo dahil sa ginawa niyang pagpapakita ng mukha ng motorista sa social media.
No comments: