BIGLANG GUMUHO? 2 patay at 3 sugatan nang gumuho ang ginagawang water refilling station sa Pasay



Dalawa ang patay habang tatlong iba pa ang nasugatan nang gumuho ang ikalawang palapag ng isang water refilling station na sumasailalim sa pagsasaayos sa Pasay City nitong Mayo 28.

Sa ulat mula kay Col. Joselito De Sesto, hepe ng Pasay City Police, kinilala ang mga nasawi na sina alyas Epifanio, 57 taong gulang, construction worker, at alyas Felicisimo, 63-anyos. Kapwa nasawi ang mga ito bago idating sa Pasay City General Hospital.

Samantala, kinilala naman ang mga nasugatan na sina “Leonardo,” 55-anyos; “Melvin,” 28; at “Richard,” 33.

Itinakbo rin si Leonardo sa Pasay City General Hospital, habang isinugod sina Melvin at Richard sa Taguig-Pateros District Hospital para magamot.

No comments:

Powered by Blogger.