banner

SINUNTOK SI MISIS? Lalaking pinagsusuntok at pinalo sa ulo ang live-in partner dahil sa P100, arestado



Arestado ang isang lalaki nang pagsusuntukin at paluin niya pa sa ulo ang kaniyang live-in partner matapos silang magtalo dahil sa P100 na ipinambili umano ng suspek ng ilegal na droga sa Quezon City.

Ayon sa pulisya, kauuwi lang ng babae mula sa trabaho nang hindi niya magustuhan ang kaniyang dinatnan.

“Nakita po niya itong kagamitan nilang mag-ina na nakatapon sa basurahan. Kaya doon po ay nagsimula pong magkaroon sila ng sumbatan nitong kaniyang live-in partner. Dahil po doon ay uminit po 'yung ulo ng ating suspek,” sabi ni Police Lieutenant Colonel Jefry Gamboa, QCPD Holy Spirit Police Station Commander.

No comments:

Powered by Blogger.